My Soul Glorifies the Lord

Last December 22, during our Simbang Gabi, I delivered a message about Mary’s Magnficat. So, unlike my Youth Service message, I won’t wait for a year to post this on my blog… so here it is!!!

 

Luke 1:46-55 is also known as the Magnificat or “Mary’s Song” Ilang beses kong paulit ulit na binasa yung verse, nag-dasal na “Lord, please, i-reveal niyo po sa akin kung ano yung gusto Niyong ipahayag.” Pagkatapos ng Simbang Gabi nung Friday, pinag-pray ako ni Ate Cookie, after nun, naging mas malinaw na at mas madali ang pagsulat ko nito.

Last Sunday, noong English Worship Service, yung message ni Pastor Jojo, tungkol sa same text natin for tonight. Tinanong ko yung sarili ko, para sa akin, ano ang ibig sabihin ng text na ito? Mula noong unang simbang gabi, iba’t ibang interpretasyon at mensahe na ang ating napakinggan mula sa iba’t ibang bible verses about the Christmas story. Nagsimula “Emmanuel the Promised Son” mula sa ating Chairperson ng Church Council hanggang sa kahapon, “Gloria in Excelsis Deo” mula sa ating Admin Pastor. Sa gabing ito, maririnig niyo naman ang interpretasyon at mensahe mula sa perspektibo ng isang kabataan.

Ano nga ba para sa isang kabataang tulad ko ang i-glorify o i-magnify ang Panginoon? So first, let’s define the terms. According to Merriam-Webster Dictionary, Glorify means, to honor or praise; to make (something) seem much better or more important than it really is. Magnify on the other hand means, to make (something) greater; to make (something) seem greater or more important than it is; to make (something) appear larger. Glorify and Magnify are synonymous to each other.

What’s it like to magnify something? Di ba kapag gumagamit ka ng magnifying glass, lumalaki ang isang maliit na bagay. Sa mga definition, ang pinaka striking talaga ay yung, “to make something seem greater/more important than it is”.

Babalikan natin ito, pero for the meantime, I want to discuss about the three (3) things na nag-stuck sa kin while contemplating the text  assigned to me. So-nag-start na tayo sa Magnify, ituloy tuloy na natin, so, mayroong three (3) M’s akong iiwan sa gabing ito. First, mission.

God gave Mary a MISSION. At hindi basta-bastang mission. Luke 1:31-33 says,

31 You will conceive and give birth to a son, and you are to call him Jesus. 32 He will be great and will be called the Son of the Most High. The Lord God will give him the throne of his father David, 33 and he will reign over Jacob’s descendants forever; his kingdom will never end.”

Isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay, pinili ng Panginoon para sa isang napakalaking duty, isang malaking responsibilidad. Napaka problematic, complicated at difficult ng situation ni Mary. Una, hindi siya kasal. Mula noon at hanggang ngayon, aminin na natin, may prejudice ang mga tao kapag nabuntis tapos hindi kasal. Ikalawa, virgin siya. Scientifically impossible to conceive. Unless may in-vitro fertilization na noon. Pero obviously, wala pang ganoon. Kaya sobrang  napaisip ako, alam kaya niya yung extent o enormity ng responsibilidad na nai-atas sa kanya? Kasi ang sagot niya sa tawag na ito, nasa verse 38,

38 “I am the Lord’s servant,” Mary answered. “May your word to me be fulfilled.” Then the angel left her.

Napaka confident ng sagot. Talo pa yung sagot ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 ngayon. It takes a lot of courage and faith to accept something as big as what Mary did. Alam niyo po ba yung kantang “Mary Did You Know?”

“Mary did you know that your baby boy is Lord of all creation?
Mary did you know that your baby boy will one day rule the nations?
Did you know that your baby boy is heaven’s perfect Lamb?
That sleeping child you’re holding is the great I am”

Ang talagang striking para sa akin dito, yung attitude ni Mary toward God’s mission for her. Nakaka-inspire.

Gawin nating mas timely at relatable yung context. Kasi hindi tayo makakarelate sa “a virgin conceiving” situation. Ilan po kaya sa atin ngayon na naririto ang pag nabigyan ng pagkakataon na pagsilibihan ang Panginoon ay magsasabing, “Yes Lord!” o magsasabing, “Ay, ay, ayoko niyan, Iba na lang. Busy ako.” Pwede ring ang approach ay, “Sorry, busy ako ee, sa work/sa school/ etc. Wala na nga akog time sa *blah blah blah*” Did it ever occur to you na “What if nag-No si Mary?” “What if she did everything to get rid of the baby?” Pero siyempre, hindi hahayaan ni Lord yun, pero, what if nga, “What if?”

Ito na sigurong taon na ito ang taon na sobrang dami kong involvement. Mapa-ministry man, school life o kahit sa personal. Pero wala pa rin akong love life. Siguro po, nagsasawa na kayo na maya’t maya ay umaakyat ako dito para mag-announce ng activity. Jamming and Sharing, Fund raisings, Okay, reminds me, HAHAHAHA. Inuulit ko po tatlong tulog na lang, Christmas Institute 2015 na! December 26-30. Wesleyan University of the Philippines, Cabanatuan, Nueva Ecija. P1850. Kids, pwede nang magbayad after ng service.  Dear parents, alam ko pong 5 days din mahihiwalay sa inyo ang inyong mga babies, saglit na panahon lang po iyon compared sa lessons na matututunan at  sa mararanasan nila.

Anyways, going back, this year, halos maya’t maya, may activity, may event, may meeting, may deadline. Hindi ko rin po alam kung paano ko na-survive. Kakatapos lang din po ng first semester ng aking graduating year. Whew. Finally. Napaisip ako, tinawag ako to serve the youth sa panahon na sobrang busy din ng student life ko. Sa panahong dapat tutok na tutok ako sa academic requirements ko. Sa panahong komplikado ang lahat ng bagay. Kung tutuusin, pwede naman akong mag-resign at sabihing, “Ay sorry, graduating ako ee.” The classic, “Busy ako ee” excuse.” It’s exhausting, yes, but no regrets. Buti na lang hindi ako sumuko, (hindi pa. HAHAHAHAHA), hindi ko pa rin ipagpapalit ang mga bagay na natututunan ko sa panahon na ito.

Nakaka inspire yung confidence at conviction ni Mary. She accepted God’s mission with open arms and with a heart full of gladness that she even exclaimed,

..My soul magnifies the Lord,47and my spirit rejoices in God my Savior,..

Secondly, I realized, kaya ba ganoon na lang ka-confident si Mary because deep inside she knows that God has been MINDFUL of her situation?.

48 for he has been mindful of the humble state of his servant.

He may have given Mary a huge responsibility to bear, yet we all know that He was there every step of the way. He guided Mary and Joseph on their journey. Isa sa mga challenges nila, yung travel nila from Galilee to Judea para sa census. Buntis na siya, kabuwanan pa nga. Grabe. Talagang sinubok yung tatag ng loob nila. Tapos nung manganganak pa, wala nang available na guest room sa inn, so no choice, sa sabsaban ipinanganak si Jesus. Tapos nung naipanganak na, akala mo unicorns and rainbows, and happily ever after na, aba, hindi pa, kailangan nilang pumunta ng Egypt para magtago kasi si pinaghahanap si Jesus ni King Herod. Ay grabe. Grabe talaga. Walang wala yung challenges ni Lola Nidora kay Alden at Yaya Dub kumpara sa pinagdaanan nila Mary at Joseph. Pero pinabayaan ba sila ng Panginoon? Siyempre hindi. He never left their side. He even sends his angel to warn them if there’s any danger.

It’s really comforting knowing that on your troubled times, you know that you have someone to help you, someone who will be there to guide you, rebuke you when you did something stupid. Let say, a friend. Isn’t it more comforting and overwhelming na yung “someone” na yun, is the Lord. You just need to trust in Him.

Alam ko naman pong may mga pagkakataon talagang mahirap ma-assure na nandiyan nga ang Panginoon. Lalo na ngayon, threat ng mga terrorist groups, hindi lang ng ISIS, ang nakakalungkot na estado ng pulitika sa Pilipinas, Haaay, Eleksyon 2016; sunod sunod na pananalanta ng bagyo at kung anu-ano pang trahedya. But then again, dito talaga masusukat kung hanggang saan at gaano katatag ang paniniwala at pagtitiwala natin sa mga pangako Niya.

Sa dinami-dami ng responsibilidad at involvement ko ngayon, alam ko at confident akong i-declare na God has never left my side. Aware siya sa mga commitments ko at hindi niya ako pinababayaan. Kaka-check ko lang ng grades ko, Praise God, walang bagsak. Though may isa pa akong hinihintay na grade. HAHAHA. Ang busy po ng conference at academic year 2015-2016 na ito. Pero sa panahon na ito ko rin na-aapreciate yung mga maliliit na bagay na nangyayari sa akin, gaya ng simpleng pag announce na “Walang Pasok”. HAHAHA. APEC week. Ay grabe, mababaw, oo. Pero, talagang mapapa-“Thank You Lord!” ka talaga dahil sa sobrang busy mo, sa araw araw na pagpupuyat mo, binigyan ka ng kahit maikling panahon para makapag pahinga, makapunta ng Laguna for a quick getaway outing o di naman kaya makapag-Aldub. Yung mga Sundays na walang events, makakapag-Zentea at relax with friends. Oh simple joys in life!

O di naman kaya, kaya malakas ang loob ni Mary to accept God’s mission because of his promise of something…MORE.

From now on all generations will call me blessed, 49for the Mighty One has done great things for me—holy is his name.

Two thousand years ago na ang nakalipas when Mary uttered those words. True enough. The Blessed Virgin Mary. “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, sambahin ang ngalan mo” ikanga ng mga Katoliko.  Hindi man nangyari noong lifetime niya, hindi man siya nabigyan ng halaga noon, more than two thousand years ago, she was just a random Israelite who gave birth to a son. Pero ngayon, sobrang immortalized na siya. She played a huge and important part to the Christmas Story.  Si Mary, para sa akin, hindi lang siya basta, Jesus’ mother.

One of the things I learned is that Mary is a strong woman. Ang tindi ng faith niya.   Pero kahit ang pinaka-strong at pinaka-confident na tao, kailangan pa rin ng “assurance”. That’s why the following verses from 51 to 55, showed how powerful, majestic and mighty, the Lord is. She dwelt on that. She just gave her all. The way she completely surrendered her life to the Lord is so admirable. Nag-cling siya sa promise ni Lord. Because from Luke 1:37, it says, “For no word from God will ever fail…”

And yung MORE na yun, yun yung promise of SALVATION.

Honestly, I may be struggling right now to completely surrender my life to the Lord, and patiently wait for Him, but, getting there…

Five years ago, ang prayer ko talaga, maka-transfer from Philippine Christian University to UP Diliman. Ngayon, 6 months na lang, sobrang lapit ko na sa inaasam kong Sablay. Claiming it! Ga-graduate ako this June 26, 2016. Sa hindi po nakakaalam, I graduated highschool last April 2010. Dalawang taon din akong na-delay. Kumbaga, hindi ako nakasabay maka-graduate sa batch mates ko. Siguro sa iba, sasabihin,”sus, yun lang pala, di naman big deal. Yan naman na yata ang uso ngayon” Pero po sa akin, sobrang devastating yun. Imbis na nagta-trabaho ka na at tumutulong sa pagpapaaral sa kapatid mo, isa ka pa rin sa ginagastusan. Ang mahal ng tuition. I know it’s going to be one heck of a tough, bumpy and even painful road, pero naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya. Kapit lang.

To my fellow youth, hindi ko alam kung ano yung struggles niyo right now. May it be your family, sa school, finances, love life kung mayroon, sa faith journey, o kung ano man yan, hindi ko sinasabing, okay lang yan. Oo, mahirap, masakit. Yun yung katotohanan. Gasgas na siguro ito, pero, totoo naman ee, we can do this. Like Mary, “We can do this through Him, and with Him, because he’s the one who will provide our strength…” Wag tayong panghinaan ng loob, ang cliché, oo, pero, hindi ka nag-iisa. Magkaroon din sana tayo, ng joyful heart and a spirit that rejoices in God.

Balikan natin yung definition ng glorify kanina, “to make something seem greater/important than it is”. Sige, hindi na natin isasama mula noong pagkapanganak natin, sa nagdaang labing isang buwan,mula January 1, 2015 hanggang ngayong December 22, 2015, sabay sabay tayong magbalik tanaw sa mga naganap sa buhay natin at itanong, paano ko nga ba na-glorify o nago-glorify ang Panginoon sa taong ito? Paano ko napapahalagahan ang mga bagay na binigay sa akin ng Panginoon? Paano ko nabigyang importansya ang mga responsibilidad na ini-atas niya sa akin? Mapa-ministry man ito, sa paaralan, sa trabaho, sa pamilya o sa sarili ko? Paano ako nag-respond sa mga tawag Niya? Kahit gaano ako ka-busy pina-prioritize ko ba Siya? Tinanggap ko ba Siya tulad ng pagtanggap ni Mary na puno ng confidence, hope,  patience, conviction, humility and faith?

Bago ko po ito tapusin, nais ko pong gamitin ang oportunidad na ito para magpasalamat sa inyo na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa aming mga kabataan at sa aming mga gawain. Mula sa Church Council hanggang sa aming mga magulang na mahaba ang pasensya sa aming mga anak ninyo, sa mga tatay naming na nasa UMM, sa mga nanay naming nasa UMWSCS, sa mga tito, tita, o ate at kuya naming sa UMYAF, thank you po. Super appreciate it.

To God be the Glory! In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s